Biyernes, Abril 4, 2014

Mas mabuting maghintay kahit nakakapagod, kaysa naman may pag-sisihin ka,

Dakilang Tanga din ako sa pag-ibig dati.(hanggang ngayon naman). Ako kasi yung tipo ng taong sobrang daling maattached, tapos makulit din ako at sobrang clingy din. kaya siguro madali silang nagsasawa sa'kin. Nakakasawa naman talaga ako. Hindi daw nila ako maintindihan, wag kayong mag-alala, di ko rin na talaga maintindihan 'tong sarili ko eh. haaay.

Hindi ko alam kung bakit naisipan ko 'tong itype ngayon. siguro dahil sa bored ako, namimiss ko na siya. haay ewan. basta trip kong gumawa ng ganto ngayon eh. haha. haay. Kasi naman yung mga nilalaman ng utak ko puro tungkol sa kanya. kainis! hindi ko siya makalimutan. haha kahit madaming beses na niya akong nasaktan, di ko siya masisisi kasi nasaktan ko na din naman siya, baka gumaganti lang. Ewan ko din. hayahay.

So ayun, sa mga readers nito, hello sa inyo. Parehas ba tayo ng nararamdaman ngayon? yun bang meron taong naging sa'yo dati, tas ngayon unti-unti na siyang nagbabago, yung pakiramdam mo anytime kaya ka niyang iwan dahil di na kayo gaya ng dati? 

Kung ganun naman at alam mo sa sarili mong mahal na mahal mo pa siya. Go for it! Hintayin mo siya, mag-effort ka! pag-usapan niyo yung problema. and then pagtulungan niyong ayusin. suyuin mo pa din siya araw-araw.. Wag kang mananawa. itext mo pa din siya ng "Good morning" hanggang "Good night" text. hindi porket madalang na siyang nagtetext sa'yo, eh hindi ka na mhalaga sa kanya. gusto niya kasi makita na ikaw naman ang nag-eeffort ke lalaki man o babae walang masama dun. yung pride delete na yan sa bokabularyo mo. di naman kasi yan makakatulong mas lalo lang nyan palalalain yung sitwasyon niyo.kahit gaano ka pa kapagod maghihintay ka kasi mahal na mahal mo siya.

Huwebes, Abril 3, 2014

Nakakapagod din pala.

Nakakapagod din pala maghintay sa imposible noh? yung tipong, sa simula't sapul pa lang alam mo ng walang patutunguhan pero ikaw go pa din ng go. tapos sa bandang huli, marerealize mo na lang na, nasayang lang pala yung effort mo. wala namang pinatunguhan yung pinaghirapan mo.